Jeffrey nga pala, 7 letters yan ha. Pwede niyo kong tawagin sa mga names na:

1.) Ipe - Palayaw ko mula pa nung bata. Bakit Ipe? Ito daw ay dahil pinaglihi ako sa bagoong bisaya na "ginamos", alam mo ba yun? Ang title daw ng ginamos na yon ay "Mang Ipe's Ginamos", napakahilig ko daw dun nung bata. Pero ngayon, nung tinikman ko.. Hindi ko type. Mas gusto ko pa yung kulay pulang bagoong. Hehe.

2.) Jep-Jep - Minsang minsanan lang itawag, minsan nga Ep-Ep eh. O diba, kaya minsan lang.

3.) Jep - Current palayaw ko. This name originates nung 1st Year College ako. One of my classmate texted me na "Jep" ang nakalagay. Mas gusto daw nila yon kesa sa "Jef" na masyadong mahirap i-pronounce na kelangang ilabas mo muna ang dila mo para ma-pronounce.

--

I'm 17 years of age, looking forward to increase it every November 28. (: And I lived somewhere in Caloocan. Then, I'm taking an I.T. course in City of Malabon University.

--

LIKES:
1.) Mature People - Dahil, sa totoo lang, napaka ko! Napaka-immature ko magisip. I'm very childish, walang isang salita. Pero I'm trying to be better.

2.) Controlling People (especially when it comes to Love) - Yung tipong walang nang patumpik-tumpik na gagawin mo yung isang bagay. Then, bigla ka niyang pipigilan, at sasabihin lahat ng advantage at disadvantage ng gagawin mo, at bigla kang mapapaisip, "Ay, oo nga, tama siya." Although you have your own thoughts pero siya ang magpapalito at magpapaanalyze sayo like, "Teka sandali, ok lang ba yan? Baka meron ka pang gusto?", "Isipin mo kayang mabuti!" Yung ganun.

3.) Prangka&Honest - Yung walang tinatagong sikreto sayo, yung tipong lahat sinasabi. Yung hindi na kinakailangan ng ibang tao para sabihin yung gusto mong sabihin. Kaya minsan hindi kayo makabuo ng isang sariling mundo dahil mas sinasabi pa yung tunay na nararamdaman sa iba kesa sayo na may karapatan sa kanya. Diba? Dapat sakin mo sabihin LAHAT! Pakikinggan ka naman eh.

4.) SWEETIEST than ME - Yung tipong babanat siya sa mga kaibigan mo. Tas kikiligin ka at lahat sila dahil sa sinsabi niya. Yung mas makulit saken (pero hindi isip-batang paraan ha) dahil kinikiliti niya ko kung saan. Yung laging may surpsrise, bigla nalang siyang may ibibigay tas sabay kiss sayo at sasabihan ka ng "I Love You!" Yung ganun ka-sweet. Tsaka yung hindi takot sa ibang nangangantyaw sa inyo 'pag magkasama kayo. Yung may KUSA sa lahat. Walang tinatago, totoo, sapat na pagmamahal lang na may kasamang atensyon. Ganun lang.

5.) Hindi pikunin at maarte - Yung tipong 'pag nagaasaran kayo, kahit alam niyo namang naglalambingan lang kayo, bigla ka nalang mapipikon tas magwo-walkout at magiinarte. HINDI KO TALAGA MATAGALAN YON. Parang hindi sanay sa mga nangyayari kahit alam naman niyang hindi naman big deal 'yon. Hayss. Nakakawalang gana lang magmahal 'pag ganun. Diba?



AYOKO NG...
a. Ayoko ng gago.
b. Ayoko ng may kaparehas.
c. Ayoko ng may naaapi.
d. Ayoko ng may kinikilingan.
e. Ayoko sa sarili ko, but I'm always challenge myself.
f. Ayoko sa ipis, lalo na't feeling butterfly, lumilipad!
g. Ayoko sa marumi.
h. Ayoko sa hindi naghuhugas. Haha! Alam mo yan!
i. Ayoko sa isip-bata. Eh ako yun diba? Kaya.. (balik ka sa e.) Oh diba? Bilib?
j. Ayoko sa trashtalk.
k. Ayoko sa mapagpilit na tao. Kung ayaw, di wag!
l. Ayoko sa buraot. Lalo na't sa gitna ng kagutuman mo eh manghihingi pa sayo.
m. Ayoko sa hirap makaintindi sa iba.
n. Ayoko ng BOSSY.
o. Ayoko ng GANGSTER.
p. Ayoko sa mga kanta ng GANGSTER.
q. Ayoko sa mga suot ng GANGSTER.
r. Ayoko sa ma-drama, kasi ako ang gumagawa ng drama.
s. Ayoko sa pakelamero/a.
t. Ayoko sa nangongopya ng signature looks ko. Yung ginagaya pati pagka-pula ng labi ko sa school. Ako lang may ganon! Ako lang talaga!
u. Ayoko sa buto ng chiki-chiki na tigdo-dos, sayang sa space ng manok.
v. Ayoko sa MATH talaga!
w. Ayoko sa ELECTRONICS. pero need ko matuto nun.
x. Ayoko ng hindi maka-Diyos. Kasi tamad ako magsimba, kaya ikaw ang magpupumilit sakin. Kaya kung hindi ka ganun, ayaw ko sayo! Kuha mo? Haha.
y. Ayoko sa kasabihan na "First Impression Lasts." Napaka-judgemental mo naman, di mo pa nga nakikilala yung tao eh! Mabuti man siya o masama, sa una lang yon, malay mo hindi naman siya ganun. (:
z. AT AYOKO SA MGA TAONG WALANG KUSA, AYAW MAGULANGAN AT NAGHIHINTAY NG KAPALIT! Kung mahal mo ang isang tao, lahat ibibigay mo paunti-unti man yan, o buong-buo na! Tulad ko, unti-unti at lalahatin kong ibigay ang lahat, kaya sana ganon kayo din. Haha!